Filipino

Download this information  (PDF File, 759.4 KB)

Maaari mong isalin ang anumang impormasyon sa aming website gamit ang BrowseAloud tool.

I-klik ang BrowseAloud icon (isang kahel na bilog na may simbolo ng speaker, na karaniwang makikita sa kanang itaas ng iyong screen).

Kapag lumabas ang BrowseAloud toolbar, i-klik ang globe icon.

Piliin ang iyong wika mula sa drop-down menu.

Alamin ang iyong mga karapatan:

Ang iyong gabay sa mga batas laban sa diskriminasyon at mga karapatang pantao sa Queensland

Sa Queensland, ang iyong mga karapatan ay protektado ng Batas Laban sa Diskriminasyon, 1991 (Anti-Discrimination Act 1991), na nagbabawal sa diskriminasyon, mga sekswal na panggigipit, at paninirang-puri (vilification), at ng Batas ng mga Karapatang Pantao 2019 (Human Rights Act 2019), na nagpoprotekta sa 23 mga karapatan para sa bawat tao sa Queensland.

Ang mga batas ng karapatang pantao sa Queensland ay nagpoprotekta sa karapatan ng lahat sa:  

Ang Batas ng mga Karapatang Pantao ay nangangahulugan na kailangang isaalang-alang ng Parlamento ng Queensland ang mga karapatan na ito kapag gumagawa o binabago ang mga batas, at ang mga pampublikong entidad ay kailangang kumilos nang naaayon sa mga karapatang ito kapag sila ay kumikilos o gumagawa ng mga desisyon.

Ang mga pampublikong entidad ay nagbibigay ng mga serbisyo sa Queensland at para sa Queensland.

Kabilang sa mga pampublikong entidad ang mga kagawaran ng pamahalaang estado, mga Ministro, mga pampublikong paaralan, mga pampublikong ospital, ang Queensland Police Service, mga lokal na konseho at mga konsehal, at mga pampublikong tagapaglingkod.

Ang ilang mga di-pampamahalaang samahan na nagbibigay ng pampublikong mga serbisyo sa ngalan ng pamahalaan ay itinuturing din na mga pampublikong entidad - halimbawa, ang di-pinagkakakitaang organisasyon na nagbibigay ng serbisyong pampublikong pabahay.

Ang mga karapatan na protektado ng Batas ng mga Karapatang Pantao ay hindi ganap, na nangangahulugan na ang mga ito ay maaaring mapailalim sa mga makatwirang limitasyon.

Ang batas laban sa diskriminasyon ng Queensland ay nangangahulugan na ikaw ay hindi maaaring madiskrimina dahil sa iyong:

kapag ikaw ay:

Ang Batas Laban sa Diskriminasyon (Anti-Discrimination Act) ay nagbabawal din sa seksuwal na panggigipit, at paninirang-puri batay sa lahi, relihiyon, sekswalidad o pagkakakilanlang kasarian.

Ang sekswal na panggigipit ay labag saan man ito mangyari. Ang sekswal na panggigipit ay anumang inaayawang asal na may kinalaman sa seks. Kabilang dito ang hindi ginustong pisikal na intimasiya tulad ng paghipo sa paraang sekswal, hindi ginustong mga mungkahing sekswal, at mga salitang may sekswal na kahulugan.

Ang paninirang-puri ay isang pampublikong kilos na naghihikayat ng galit, matinding pagkamuhi, malubhang pangungutya sa isang tao o isang grupo ng mga tao dahil sa kanilang lahi, relihiyon, sekswalidad o pagkakakilanlang kasarian. Kung kabilang dito ang pagbabanta ng pisikal na karahasan, ito ay isang pagkakasalang kriminal.

Makipag-ugnayan sa amin

Kung ikaw ay nakaranas ng diskriminasyon, o nakaranas ng sekswal na panggigipit o paninirang-puri  sa publiko, o kung nilimitahan ng isang pampublikong entidad ang iyong mga karapatan nang hindi makatwiran, ikaw ay maaaring magreklamo sa Queensland Human Rights Commission.

Ang impormasyon tungkol sa batas at kung paano magreklamo tungkol sa diskriminasyon o mga karapatang pantao ay makukuha sa aming website sa www.qhrc.qld.gov.au.

Kung nakaranas ka ng pang-aabuso ng lahi o diskriminasyon, maaari mo ring piliin na isumbong ito sa amin sa halip na gumawa ng pormal na reklamo, sa www.qhrc.qld.gov.au/complaints/report-racism.

Maaari mong tawagan ang Komisyon mula  kahit saan sa Queensland na libreng tawag sa 1300 130 670, Lunes hanggang Biyernes.

Kung mas gusto mong makipag-usap sa amin sa isang wika na hindi Ingles, maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pagkontak sa Translationz sa 07 3123 4887 para sa kanilang serbisyo na on-demand.

Back to top